Hindi na mangangamba ang mga residente ng Brgy. Dalumpinas dahil patuloy nang pinupunan ang kakulangan sa kagamitang medikal ang kanilang barangay health center sa tulong ni ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐Œ๐š๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐€๐ ๐š๐›๐š๐ฌ at ng ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก.

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si ๐‡๐จ๐ง. ๐ƒ๐ฐ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐’๐ฎ๐ฒ๐š๐ญ, punong barangay ng Dalumpinas.

โ€œAng barangay health station package na ito mula kay Cong. Marlyn at DOH ay talagang naaayon sa pangangailangan ng mga residente dito lalo na ang mga kabataan, magulang, senior citizens, persons with disabilities. Kaming lahat ay umaasang mas marami pang maisakatuparang proyekto at programang pangkalusugan sa aming barangay,โ€ saad ni Suyat.

Samantala, binigyang diin ni Mayor Alice na kailangang magamit nang maayos at wasto ang mga medical equipment upang lalo itong makapag-abot ng serbisyo medikal sa matagal na panahon sa lugar.

โ€œSalamat sa DOH at kay Cong. Marlyn dahil naabutan tayo ng kagamitang medikal na kailangang-kailangan natin sa panahon ngayon. Alagaan natin ang mga ito at sikaping magamit nang wasto ayon sa pangangailangan ng mga residente,โ€ pahayag ng alkalde.

#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon