Isang taos-pusong pasasalamat sa walang patid na suporta at pangangalaga na ipinapadama sa atin ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 ng ika-anim na Distrito ng Pangasinan.

Kamakailan lamang ay napagawa na ang concreting ng Farm-to-Market Road (FMR) na nagkokonek sa Brgy. Poblacion East sa pamumuno ni 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐮𝐢𝐬𝐢𝐭𝐨 𝐆𝐮𝐥𝐥𝐚 at Brgy. Cabitnongan sa pamumuno naman ni 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐃𝐢𝐨𝐬𝐝𝐚𝐝𝐨 𝐌𝐞𝐣𝐢𝐚.

Sobrang laki po ng proyektong ito at napakarami sa ating mga mamamayan ang makikinabang dahil sa magbibigay ito ng opsyon para sa mas mabilis o shortcut na dadaanan patungo sa sentro ng ating bayan.

Sa kabuuan ay may haba itong 345 meters at lapad naman na 4 meters na napondohan sa ilalim ng Local Infrastructure Program o LIP.

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#CongLenPrimiciasAgabasCares

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon