Sa paglalayon nating maihanda ang ating bayan upang makamit natin ang 𝐒𝐞𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 (SGLG) ay bumuo po tayo ng Technical Working Group na mangunguna sa pagsasaayos ng mga kinakailangang mga proseso at dokumento ukol dito.
Mula po nang ako ay manungkulan bilang inyong alkalde ay inumpisahan nating ayusin ang lahat ng aspeto ng pamamahala sa ating bayan sa paglalayon nating maging huwaran ang ating munisipyo sa ibat-ibang aspeto ng pamamahala kalakip nga dito ang pagiging mahusay sa financial housekeeping, paghahanda sa sakuna, proteksyong panlipunan para sa pangunahing sektor, business-friendly at competitiveness, pamamahala sa kapaligiran, at pagsunod sa mga batas para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko. Ang mga pamantayang ito mismo ay napapaloob sa SGLG na taunang patimpalak ng DILG kaya naniniwala akong karapat-dapat na rin nating makatanggap ng ganitong award bilang pagpapatunay na karapat-dapat ang inyong lingkod sa mandatong ibinigay ng ating mga kababayan.
Kung hindi man tayo makahabol ngayong taon ay tinitiyak ko po na sa mga susunod na patimpalak na ito ay handang-handa na po tayo sa pangunguna ng inyong lingkod kasama ang aking binuong Technical Working Group na kinabibilangan nina 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬 𝐂. 𝐃𝐢𝐭𝐨𝐥, Municipal Accountant; 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐓𝐚𝐛𝐢𝐭𝐡𝐚 𝐘𝐥𝐚𝐫𝐝𝐞, HRMD Officer; 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐑𝐚𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐭𝐨𝐳𝐚, Municipal Budget Officer; 𝐒𝐢𝐫 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐋𝐚𝐝𝐢𝐚 𝐉𝐫. ; 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐚, Municipal Labor and Employment Officer/PESO Manager; 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐝𝐲 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬, Municipal Engineer; Sir 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐥𝐨𝐦 𝐆𝐢𝐝𝐞𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐧𝐠, DRRM Officer; 𝐌𝐫. 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐂𝐚𝐛𝐨𝐛𝐨𝐬; and 𝐌𝐫. 𝐆𝐞𝐫𝐚𝐥𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐬.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#TechnicalWorkingGroupForSGLGFormed
#PreparingForSealOfGoodLocalGovernance
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride