Upang matiyak na mas maraming San Nicolanians pa ang magkaroon ng mas madaling akses sa mga libreng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, pinangunahan ni ๐Ÿ”๐ญ๐ก ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐Œ๐š๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐€๐ ๐š๐›๐š๐ฌ ang pag-turnover ng barangay health station package mula sa Kagawaran ng Kalusugan sa Brgy. Salingcob noong Marso 28.

Labis ang tuwa ni ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‚๐š๐ฉ๐ญ. ๐๐จ๐ž๐ฅ ๐Ž๐ซ๐ญ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ซ๐จ at kaniyang mga kasamahan nang personal na iabot ni Cong. Marlyn ang fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks,

EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board sa kanilang lugar.

Ipinaabot ni Ortiguero ang kaniyang pasasalamat sa DOH at kay Cong. Marlyn kasama sina ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ž, ๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐ซ๐š๐ฏ๐จ, ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ ๐๐ฎ๐ž๐ž๐ง ๐ƒ๐ž๐ฌ๐œ๐š๐ซ๐ ๐š๐ซ, ๐Š๐ข๐ค๐จ ๐๐ซ๐š๐ฏ๐จ, ๐‰๐š๐ข๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ƒ๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ, ๐๐ž๐๐ซ๐ž๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ข๐›๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐‰๐ฎ๐ง ๐’๐ž๐ซ๐ช๐ฎ๐ขรฑ๐š na sama-samang naghatid ng handog na kagamitang medikal sa Brgy. Salingcob

Samantala, binigyang diin naman ni Mayor Alice na ang sektor ng kalusugan ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating bayan at ang pandemya ang nagtulak sa San Nicolas na itaguyod at paigtingin pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan sa tulong ng DOH at ni Cong. Marlyn.

โ€œPagsisikapan nating mas marami pang residente ang matulungan lalo na ang mga mahihirap nating kababayan upang mabigyan sila ng mas maginhawang access sa mga programang medikalโ€ pahayag ng alkalde.

#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon