Sa pinalakas pang programa ng pagbabakuna laban sa rabies ay karagdagang 4,329 pet dogs and cats ang nabakunahan sa bayan ng San Nicolas mula Enero 10 hanggang Abril 28 ng taong ito.
Inanunsyo ni Mayor Alice ang magandang balitang ito matapos matanggap ang monthly report ng Municipal Livestock Coordinator na si 𝐌𝐫. 𝐀𝐝𝐨𝐧𝐢𝐬 𝐁𝐚ñ𝐚𝐠𝐚 ukol sa isinagawang house-to-house na libreng pagbabakuna sa mga alagang hayop para sa pagsisikap ng LGU na matuldokan na ang mga kaso ng rabies sa ating munisipalidad.
Patuloy na hinihikayat ni Mayor Alice ang mga pet dog and cat owners na pakinabangan nila ang libreng bakuna ng lokal na pamahalaan upang hindi lamang maprotektahan ang kanilang mga alagang hayop kundi maging ang komunidad laban sa nakamamatay na rabies virus.
Ang rabies ay isang viral disease na nagdudulot ng pamamaga ng utak sa mga tao at iba pang mammals. Maaaring kabilang sa mga maagang sintomas ang lagnat sa nakagat ng isang rabies-infected animal. Ang sintomas na ito ay sinusundan ng isa o higit pa na mga sintomas katulad ng pagduduwal, pagsusuka, marahas na paggalaw, pagkatakot sa tubig, kawalan ng kakayahang igalaw ang ilang bahagi ng katawan, pagkalito, at pagkawala ng malay. Kalimitan ay kamatayan ang resulta kapag lumitaw na ang mga nasabing sintomas mula sa isang nakagat ng aso o pusa.
Ayon kay Mayor Alice, nagpapatuloy buwan-buwan ang programang house to house free-rabies vaccination na pinapangunahan ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞.
#FreeHouseToHouseAntiRabiesVaccine
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride