CLASSES IN PRE-SCHOOL TO HIGH SCHOOL LEVEL
CANCELLED TOMORROW (AUG. 27) IN SAN NICOLAS
Per the declaration of our Governor and PDRRMC Chairman Amado I. Espino III, all classes in Pre-School and High School Level both Public and Private are CANCELLED Tomorrow (Aug. 27) in San Nicolas.
Dahil po ito sa Bagyong “Jenny” na nasa loob na ng ating bansa at inaasahang magdudulot ng mga malakas at patuloy na paghangin at pag-ulan simula ngayong gabi sa ating probinsya.
Pinapayuhan ang lahat na magsagawa ng ibayong paghahanda upang maiwasan ang sakuna at disgrasya. Patibayin ang ating mga kabahayan, ihanda ang Go-Bag, mag-ipon na ng mga pagkaing hindi na kailangan pang lutuin, mag-imbak na rin ng tubig na inumin, posible din ang pagkawala ng kuryente kaya i-prepare na po ang mga flashlights, lampara o kandila sa ating kabahayan. Ang ating mga alagang hayop naman ay siguraduhing nasa mataas na lugar upang hindi malunod kapag tumaas ang tubig sa ating paligid. Ipasok na rin po natin sa plastic o “Zip Lock” ang lahat ng mga importanteng dokumento katulad ng birth certificate upang kung magbaha man ay safe ito sa pagkasira.
Kailian, tinatayang malakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan ang iiral buong maghapon bukas kaya’t patuloy na magmonitor sa balita for updates.
Magandang gabi po at mag-ingat po tayong lahat
By Order:
DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
Municipal Mayor and MDRRMC Chairman
#Alicia L. Primicias – Enriquez