Muling nagsagawa ng pagpupulong nito lamang Agosto ang Municipal Advisory Council (MAC) na pinangungunahan ni Mayor Alice.

Tinalakay sa pulong ang estado ng social welfare development indicator at program implementation, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Set 12A at 12D status of registration, over-the-counter payout ng Set 12A household, at Europay, Mastercard, and Visa o EMV cash card distribution para sa Set 11 household.

β€œMahalaga ang ganitong mga pagpupulong upang epektibong mahikayat din ang stakeholders mula sa social service workforce at upang mapanatili ang mga sambahayan na benepisyaryo ng programa at pigilan ang mga ito na bumalik sa antas ng kahirapan,” paliwanag ni Mayor Alice.

Napag-usapan din sa pulong ang Search for Bio-Intensive Gardening 2023, Graduation Ceremony 2023, at iba pang isyu sa bayan.

Dagdag pa ng alkalde, tinitiyak nila na ang mga benepisyaryo ay nakakasunod sa mga kondisyon ng programa kasama na ang kanilang benepisyo tulad ng tulong sa kabuhayan at mga programa sa scholarship.

Tungkulin ng MAC ang pangunahan at pangasiwaan ang pagpasa ng mga lokal na ordinansa na sumusuporta sa pagpapatupad ng programa ng 4ps para mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na nasasakupan nito

Ang MAC ay nagpupulong tuwing tatlong buwan, partikular tuwing ika-3 linggo ng bawat ikalawang buwan ng bawat quarter.

#MonthlyMACMeeting#MunicipalAdvisoryCommittee#SocialWelfareDevelopment#IssuesandConcern#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon