Maaring makaramdan ng:
Pananakit, pamumula, pangangati, o pamamaga sa parteng binakunahan
Panghihina ng katawan
Pagkahilo
Pagtatae
Lagnat
Huwag matakot dahil ang mga ito ay normal na reaksyon ng iyong katawan sa bakuna.
Sinisigurado din ng Food and Drug Administration (FDA) na tanging ang mga bakunang may Emergency Use Authorization (EUA) o full approval ay garantisadong ligtas at epektibo laban sa pagkakaroon ng malubhang COVID-19.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagpapabakuna, bumisita sa https://doh.gov.ph/vaccines.
Tandaan: Suportahan lamang ang FDA-approved na bakuna laban sa COVID-19 para sa kumpletong proteksyon!
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride