Pinangunahan ni 𝓒𝓸𝓷𝓰. π“œπ“ͺ𝓻𝓡𝔂𝓷 𝓛. π“Ÿπ“»π“²π“Άπ“²π“¬π“²π“ͺ𝓼-𝓐𝓰π“ͺ𝓫π“ͺ𝓼 ang pag-turn over sa barangay health station package mula sa Department of Health-Ilocos Region sa Brgy. San Jose upang matiyak na mas maraming San Nicolanians pa ang magkaroon ng mas malawak na akses sa libreng serbisyong pangkalusugan.

β€œMahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating bayan ang sektor ng kalusugan. Nang dahil sa pandemya, itinataguyod at pinaiigting pa natin ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan sa tulong ng DOH,” saad ng kongresista.

Labis ang tuwa ng mga barangay official at residente nang personal na iabot ni Cong. Marlyn ang fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks, EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board sa kanilang lugar.

Sama-samang naghatid ng handog na kagamitang medikal sa Brgy. San Jose sina Cong. Marlyn, Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, at Municipal Councilors Queen Descargar, Jairus Thom Dulay, Pedrelito Bibat at Jose SerquiΓ±a Jr.

β€œSalamat Cong. Marlyn at Department of Health dahil matutulungan natin lalo na ang mga mahihirap nating kababayan upang mabigyan sila ng mas maginhawang access sa mga programang pangkalusugan,” saad ni Mayor Alice.

#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon