Dahil naging matagumpay po ang ating isinagawang tatlong-araw na “OPEN TO ALL MUNICIPALITIES” na vaccination campaign, napagdesisyunan ng ating lokal na pamahalaan na ituloy-tuloy na ang programang ito na binansagang “VAX AS ONE”.
Sa ilalim ng nasabing programa, magiging bukas ang COVID-19 vaccination ng San Nicolas para sa mga residente ng ibang bayan na gustong magpabakuna ng kanilang 1st dose, 2nd dose o booster dose.
Ako po ay natutuwa dahil marami tayong natulungan na residente ng ibang bayan at pati na rin ng ibang probinsya. May nabakunahan tayong tiga-Pampanga, Manila, Benguet, at La Union. Ngayon ay may proteksyon na sila laban sa banta ng COVID-19.
Sa mga gustong magpabakuna, narito po ang vaccine brands na ipapamahagi at mga requirements:
Sinovac: 3,052 doses
Astrazeneca: 1,000 doses
Moderna: 652 doses
Janssen: 160 doses
Pfizer: 400 doses
-Magdala lamang ng isang government-issued ID.
-Dalhin ang Medical Certificate o Medical Clearance para sa mga batang edad 12-17 na may comorbidity.
-Ang mga batang edad 12-17 ay kailangang may kasamang parent o guardian.
-Para sa mga magpapabakuna ng second dose at booster shot, dalhin lamang ang inyong LGU-issued vaccination card.
Maraming salamat po sa inyong suporta. Asahan po ninyo na mananatiling bukas ang aming vaccination campaign para sa inyong lahat hangga’t may supply po kami ng bakuna.
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#BakunaParaSaIbangBayan#VaxAsOne#BayanihanBakunahan
#LGUSanNicolasOpensVaccinationToAllMunicipalities#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride