Ang COVID-19 vaccination schedule ng LGU San Nicolas ay isinasagawa mula Lunes hanggang Biyernes (Monday to Friday) mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon (8:00 AM to 2:00 PM).
Dahil malaking porsyento po ng aming populasyon ay bakunado na, tumatanggap din po kami ng mga residente ng ibang bayan na gustong magpabakuna para sa kanilang 1st dose, 2nd dose, o booster dose.
Janssen (125 doses)
Astrazeneca (140 doses)
Pfizer (288 doses)
Moderna (638 doses)
Sinovac (3,048)
-Magdala lamang ng isang government-issued ID.
-Dalhin ang Medical Certificate o Medical Clearance para sa mga batang edad 12-17 na may comorbidity.
-Ang mga batang edad 12-17 ay kailangang may kasamang parent o guardian.
-Para sa mga magpapabakuna ng second dose at booster shot, dalhin lamang ang inyong LGU-issued vaccination card.
Ang iskedyul na ito ay hindi magbabago hangga’t wala pang abiso mula sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#BakunaParaSaIbangBayan#VaxAsOne#BayanihanBakunahan
#LGUSanNicolasOpensVaccinationToAllMunicipalities#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride