January 24-28, 2022
Nagagalak po akong ibahagi sa inyo ang ating vaccination summary mula January 24 hanggang January 28 kung saan umabot sa 1,000 na katao ang nabigyan natin ng proteksyon kontra COVID-19 lalo na ngayong kasagsagan ng Omicron variant na mas nakakahawa.
Ang vaccination campaign na ito ay nanatiling bukas para sa mga residente ng ibang bayan upang makatulong sa kanilang pagbabakuna nang sa gayon ay tuluyan na nating makamtam ang herd immunity hindi lamang sa buong probinsya kundi pati sa buong bansa.
Narito po ang breakdown ng mga bakunang naipamahagi sa loob ng limang araw:
San Nicolas: 945
Other municipalities: 55
Baguio City: 1
Bolinao: 1
Calasiao: 1
Dagupan City: 1
Isabela: 1
La Union: 3
Natividad: 26
Pampanga: 2
Quezon City: 1
Rosales: 1
San Quintin: 4
Sta. Maria: 1
Sual: 1
Tayug: 11
Hinihikayat ko po lahat na magpabakuna na po kayo ng inyong booster dose para sa kumpletong proteksyon at upang maiwasan ang malubhang pagkakasakit at pagkamatay.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang vaccine expert panel, napakataas ng lebel ng antibodies kapag nagpa-booster shot. Isa itong magandang balita sa konteksto ng Omicron variant na mas nakakahawa.
Sama-sama tayo sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19 mga kababayan! Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa sa ating #VaccineNation campaign!
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#SanNicolasOpensUpVaccinationToAllMunicipalities
#SanNicolasBayanihan#WeHealAsOne
#LGUSanNicolasVaccinationSummary
#UnityAndCooperationPrevailsInSanNicolas
#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride