Ipinaaalam ng lokal na pamahalaan sa publiko na ngayong araw ay naitala ang isang bagong kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Ang ika-animnapu’t limang pasyente (65th case) ay limampung taong gulang na lalaki (50 y/o male) at residente ng Brgy. Sta. Maria West. Siya ay nagtratrabaho bilang isang machine operator sa isang korporasyon.

Siya ay nagpa-swab test sa Villaflor Dagupan kahapon, ika-25 ng Marso, matapos siyang mag-positive sa naunang Antigen Test na isinagawa sa kanya bilang requirement sa kanyang trabaho.

Ang naturang pasyente ay walang travel history sa labas ng ating probinsya. Siya ay symptomatic at ilan sa mga sintomas na kanyang nararamdaman ay lagnat at ubo.

Sa kasalukuyan, siya ay nagpapagaling na sa ating Quarantine Facility kung saan mahigpit siyang binabantayan ng ating mga medical frontliners. Isasagawa rin ang RT-PCR swab testing sa mga close contacts ng pasyente at naabisuhan na sila na sumailalim sa mandatory 14-days strict home quarantine.

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at patuloy kayong hinihikayat na sumunod at tumalima sa minimum public health standards na ipinapatupad sa buong bansa tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing protocols at pananatili sa inyong mga kabahayan.

Sama-sama nating idalangin ang agarang paggaling ng ating mga kababayan na may sakit. Manatili tayong disiplinado at mag-ingat sa lahat ng lugar na ating pinupuntahan.

Maraming salamat po.

DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

Municipal Mayor

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon