Kailian, bilang paghahanda sa malawakang COVID-19 vaccination sa ating bayan na naka-schedule na sa third quarter ng taong ito ay inilatag na ng Department of Health ang kanilang plano na naayon na rin sa nakahandang Vaccination Plan ng San Nicolas LGU.

Ito ang paksa ng isinagawa naming pagpupulong ngayong araw ng mga nurses under the Deployment Program of the Department of Health – Human Resources for Health (DOH-HRH) kalakip na rin ang preparasyon ng mga kakailanganing mga collaterals, informational banners, leaflets, at tarps. Bilang doctor, isa po ako sa tatayong Supervisor ng Vaccination Team na counterpart ng ating LGU sa grupo ng DOH Team.

Sa araw din pong ito ay napagusapan namin ni Municipal Population Officer Celia Paraguas ang pagsasagawa ng another round of Pap Smear Test para sa mga kababayan nating mga kababaihan bilang isa na rin sa mga aktibidad na puede nating ipasok sa buwang ito ng Women’s Month. Pumunta lamang po at magpalista sa aking opisina ang lahat ng mga interesadong lumahok dito.

Isa ring pagpupulong ang namagitan sa amin ng mga opisyales ng ating Economic Enterprise na sina Delfin Enrico and Merla Bagasan. Kalakip sa aming pinagusapan ang patugon sa mga concerns katulad ng instalasyon ng bagong canopy sa area ng ating mga gulayan.

Tungkol naman sa patuloy nating pagpapairal ng peace and order sa gitna ng pandemyang ating nararanasan ay nakipagpulong din ako sa mga opisyales ng 104th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion Region 1 (RMFB1) na pinamumunuan ni Police Captain Romulo Oclarino, Jr. Kasama rin sa pagpupulong na ito ang ating Police chief na si Police Lieutenant Landro Velasquez. Patuloy po sana tayong sumunod sa mga pinapairal na mga batas at mga regulasyon sa ating bayan upang hindi na po lumala pa ang sitwasyon ng pandemyang ito na sa ngayon ay nararanasan ng ibang lalawigan.

Nagkaroon din ako ng pagkakataong makausap muli ang ating mga SB members para sa paghahanda ng mga kinakailangang mga lokal na batas o Ordinances upang mas maiayos natin ang implementasyon ng mga panuntunan at regulasyon sa ating bayan.

Thank you so much much kailian for your continued understanding and cooperation. Stay safe po and stay Covid-free.

~MAYOR ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

#CovidVaccinationSimulation

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon