Nagpapasalamat tayo sa patuloy na suportang nagmumula sa Probinsya ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Amado “Pogi” I. Espino III at sa Department of Social Welfare and Development.
Ngayong araw ay may nabibiyayang dalamwamput siyam na mamamayan ng san Nicolas sa pamamagitan ng Livelihhod Assistance Grant (LAG) na ipinamamahagi ng ating probinsya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating mga solo-parents, persons and children with disabilities, out-of-school-youths (OSYs), mga senior citizens, at iba pang sektor na apektado ng pandemya.
Ang LAG Program ay adisyunal na tulong sa mga sektor na ito upang mabigyan sila ng pondong magagamit sa mga proyekto o trabahong kagaya ng tricycle operation, bilao making, bamboo handicraft at kaing, pagkakaroon ng sari-sari store, pagbebenta ng ulay balut, barbecue, puto at iba pang kakanin, upang makatawid sila at ng kanilang pamilya ng maayos sa gitna ng pandemyang ating nararanasan.
Muli, maraming salamat Gov. Pogi maging sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development Field Office I sa inyong pagbisita upang mabahagian ang mamamayan ng San Nicolas ng nasabing programa.
More power and God bless you all
~MAYOR ALICE PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride