Nananawagan po ako sa lahat ng mga Senior Citizens na suportahan ang ating isasagawang kampanya na nakatuon sa programa ng pagbabakuna para sa mga Senior Citizens. Personal ko po kayong hinihikayat na makibahagi sa aktibidad na ito dahil ito ang tamang lugar na maipaalam para sa bawat Senior Citizen sa ating munisipalidad ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng inyong sarili laban sa sakit na COVID-19. Alam natin na isa sa mga sektor ng ating lipunan ang Senior Citizens na madaling kapitan ng virus na ito kaya ang inyong pang-unawa sa kahalagahan ng pagbabakuna laban sa nasabing sakit ay makakatulong po ng malaki sa inyong lahat.

Ang ating unang IEC o Information and Education Campaign ay isasagawa bukas, Abril 29, sa San Roque ANP Pilot School, Brgy. San Roque. Gawin po natin ang ating bahagi sa pag-iingat ng ating sarili, ating pamilya, at ng ating pamayanan sa pamamagitan ng tamang kaalaman tungkol sa COVID-19. Dapat nating isipin na ito ang pinakamahusay nating sandata para mapagtagumpayan natin ang pandemyang ating kinakaharap.

Maraming salamat po at kitakits na lang po tayo bukas 🥰😍

-MAYOR ALICE PRIMCIAS-ENRIQUEZ

#InformationCaravanForSeniorCitizens

#UnderstandingTheTruthAboutVaccination

#MayorAlicePrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon