Pinangunahan ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez kasama ni Municipal Councilor Jun Serquina ang inspeksyon sa isinasagawang konstruksyon ng road shoulder and drainage canal sa Barangay San Felipe East.
Ang proyektong ito na may habang 190 lineal meters ay bahagi ng mga prayoridad na proyektong pang-imprastraktura ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Alicia, bagama’t nasa ilalim pa rin tayo ng MGCQ o Modified General Community Quarantine ay hindi naman naaapektuhan ang mga isinasagawang proyekto ng lokal na pamahalaan.
“Tuloy-tuloy po ang implementasyon ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan, kabilang na ang mga proyektong pang-imprastraktura. Kaya sa atin pong mga residente sa mga apektadong lugar, bahagya man pong bibigat ang daloy ng trapiko dahil sa konstruksyon ay pangmatagalan naman po ang benepisyo na hatid ng proyekting ito,” saad ng masipag na alkalde.
Ilang buwan na lamang ay tag-ulan na kaya para sa mga residente ng Barangay San Felipe East ay isa itong napapanahong proyekto upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang barangay.
#ContinuingProjectAtSanFelipeEast
#SorryForTheTemporaryInconvenience
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride