Dahil napakaganda ng programang inilunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ating bayan–ang Oplan Ligtas na Pamayanan–o ang pag-oorganisa ng Community Fire Auxiliary Group o CFAG upang makatulong ng BFP ang mga volunteers para sa pagsusulong ng safety awareness at pagresponde sa mga fire-related incidents, ay inaprubahan ko po ang kanilang request na mga gamit para maisulong ang kahandaan ng ating mga kabaranggayan sa panahon ng sunog.

Ukol po dito ay nagbigay tayo ng mga drums na mapag-iipunan ng tubig sa mga barangays, sprayer, at timbang kinakailangan lalo na sa panahong may sunog. Nawa ang mga gamit na ito ay makatulong upang mapaigting pa natin ang ating paghahanda lalo na sa mga fire emergencies sa ating komunidad.

Goodluck sa bagong tatag na CFAG sa ating bayan at goodluck sa pamamahala ng San Nicolas BFP under the leadership of Fire Inspector Rogelio S. Quizon Jr.

Asahan n’yo po na laging nandito ang San Nicolas LGU para sumuporta sa inyong layunin na maprotektahan ang ating mga kababayan. Mabuhay po kayong lahat!

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#OplanLigtasPamayananLaunchedInSanNicolas

#SuportangHandogNgSanNicolasLGU

#ParaSaPagsusulongNgKahandaanLabanSaSunog

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon