Sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development, at sa tulong ni Congw. Marlyn L. Primicias-Agabas, mahigit 1,200 benepisyaryo ang tumanggap ng tulong pinansyal upang maibsan ang pasakit dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang mga benepisyaryo, na mula sa iba’t ibang bayan ng ika-6 na distrito, kabilang ang mga solo parents at mga may sakit o kapansanan, ay nakatanggap ng tulong na umaabot mula Php 3,000.00 hanggang Php 5,000.00, batay sa kanilang pangangailangan.
Upang mapadali ang proseso ng pagtanggap ng mga benepisyo, nakipagtulungan sina Congw. Marlyn Primicias-Agabas, Tayug Mayor Tyrone Agabas, Mayor Alicia Primicias Enriquez, VM Alvin Bravo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokumento at pagpapapila ng mga benepisyaryo.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Alice sa tulong na natanggap ng 214 na benepisyaryo sa San Nicolas, na malaki ang naitulong sa kanilang pang-araw-araw na panggastos para sa pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan.
#AssistanceToIndividualsInCrisisSituation#SupportVulnerableSector
#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas
#LenPrimiciasAgabas#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride