Sa pagdiriwang ng Panagrambak 2025, ating napatunayan ang kariktan ng ating kultura at tradisyon sa minamahal na bayan ng San Nicolas. Marapat lang na ating ipagmalaki at ipamana sa mga susunod na henerasyon ang ating makulay at mayaman na kasaysayan at kultura.

Ngunit ang malaking tanong sa atin, nagtagumpay nga ba tayo sa ating layunin ngayong taon? Nagawa nga ba nating magbuklod sa kabila ng ating pagkakaiba?

Kung ating pagbabasehan ang online engagement ng ๐’๐š๐ง ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐š๐ฌ, ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง ๐Œ๐ฒ ๐‡๐จ๐ฆ๐ž ๐Œ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐ž, umabot lang naman tayo sa 4,013,465 views, 414,475 engagement, 117,213 interactions, at lumubo na sa 50,753 ang ating page followers. Nangyari ito sa loob lamang ng anim na araw na pagdiriwang natin.

Nakamamangha na tayoโ€™y sinubaybayan ng ating mga kailian at tagasubaybay saan mang panig ng mundo. Ngunit higit pa sa mga numerong ito ang ating nasaksihan. Dahil nagawa nating isantabi ang ating magkakasalungat na paniniwalaโ€™t opinyon upang ipakita na ang tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa ay buhay na buhay sa mga puso at isipan ng mga San Nicolanian. Ito ang tunay na kuwento ng Panagrambak.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, nais kong magpasalamat nang taos-puso sa inyong lahat na naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na itoโ€”mula sa mga opisyal ng barangay at bayan, manggagawa, guro, mag-aaral, magulang, ibaโ€™t ibang sektor at organisasyon, mga kawani ng pamahalaang lokal lalong-lalo na ang mga bumubuo sa Executive Committee na sama-samang nagbigay ng walang-kapantay na suporta at pagmamahal.

Maging inspirasyon nawa ang Panagrambak 2025 sa bawat isa sa atin na patuloy na magsumikap at magpursigi para sa ikabubuti ng ating bayan. Patuloy nating ipagdiwang at itaguyod ang ating kulturaโ€™t tradisyon. Sama-sama nating harapin ang bawat hamon at pagsubok, at magpatuloy sa pagsulong sa isang bayang tunay na maipagmamalaki.

Mabuhay ang San Nicolas, Pangasinan!

~๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

#Panagrambak2025#SanNicolasTownFiesta2025#UnityInDiversity#HappyFiestaSanNicolas#HonoringGenerations#CulturesAndTraditions#SanNicolasTownFiesta2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon