Bukod sa karaniwang mga trabaho sa kanyang opisina ay pinagtuunan ng pansin ngayong araw ni Mayor Alice ang pagpapalabas ng tulong pinansyal (medical at burial assistance).

Umabot sa 87 beneficiaries ang nabigyan ng nasabing tulong ngayong araw lamang na patuloy na isinasagawa ng Office of the Mayor lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya dahil sa kabi-kabilang kahilingan ng mga mamamayang apektado ng kasalukuyang krisis sa kalusugan.

Matapos nito ay nakipagpulong si Mayor Alice kay Senior Jail Officer 1 Gregorio E. Quinton, paralegal ng BJMP-Tayug at sa kasama nitong si Jail Officer 3 Aldier V. Magarro, at nagpaabot din ito ng tulong para sa mga karagdagang PPEs, facemask, disposable gloves, faceshield, gayundin ng disinfectant, alcohol, at vitamins para sa mga operatiba ng nasabing correction facility.

Aniya, kailangang palagiang mabigyan ng suporta ang mga frontliners katulad ng BJMP dahil sa kahalagahan ng kanilang tungkulin at responsibilidad sa paglaban sa Covid-19 maliban pa sa kanilang mga mandato.

#TuloyAngTulongSaGitnaNgPandemya

#87MedicalAndBurialBeneficiaries

#ContinuedSupportToTheBJMP

#MayorAlicePrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon