Sa patuloy na pangangalaga ni Mayor Alice sa bayan ng San Nicolas lalong-lalo na sa sektor ng edukasyon, ang kaniyang pagmamahal at dedikasyon sa mga mag-aaral ay pinatutunayan sa bawat hakbang ng kaniyang pamumuno.

Kahit na abala sa mga mahahalagang tungkulin, hindi nagpatinag si Mayor Alice sa pag-inspeksyon ng bagong concrete pavement sa Sto. Tomas Elementary School. Ang pavement na may sukat na 85m ang haba, 3.5m ang lapad, at 0.15m ang kapal ay pinondohan mula sa Developmental Fund ng lokal na pamahalaan, na tiyak na makakatulong sa mga mag-aaral at guro ng paaralan.

Ayon kay 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘾𝙤𝙣𝙧𝙖𝙙𝙤 𝘽. 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙤𝙨 𝙅𝙧., “Walang hangang pasasalamat ang aming ipinaaabot sa inyo, Mayor, sa inyong walang sawang pagsuporta sa aming mga estudyante. Ang mga proyekto at programang inyong isinasagawa ay tunay na simbolo ng isang mapagmahal na ina.”

Bilang bahagi ng kaniyang pagbisita, sinuri rin ni Mayor Alice ang mga silid-aralan na napaganda dahil sa bagong floor tiles na may sukat na 9.8m x 7.8m, na pinondohan naman ng Special Education Fund ng lokal na pamahalaan.

Ang mga pagbabagong ito ay naglalayong lumikha ng mas maayos at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral.

#SantoTomasElementarySchool

#DF2024ConcretePavement

#SEF2024FloorTilesInstallation

#PublicService#SupportToSchools

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon