Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang Tropical Depression Enteng, bukod pa sa Habagat, ayon mismo sa PAGASA. Kaya asahan na magdadala ito ng mga pag-ulan sa bayan ng San Nicolas sa mga susunod na araw.
Huling namataan ang tropical depression Enteng sa layong 100 km hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar. Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 km/h. May lakas ito ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 70 km/h.
Narito ang mga dapat tandaan ngayong may banta ng masamang panahon:
1. Manatili sa loob ng bahay at maging kalmado.
2. Ugaliing magdala ng payong o anumang panangga sa ulan kung lalabas ng bahay.
3. Ilagay ang mga alagang hayop sa mas ligtas na lugar.
4. Ihanda ang emergency light o kandila sakaling mawalan ng kuryente.
5. Umantabay sa mga ulat sa mass media at manatiling nakatutok sa 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐌𝐲 𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐌𝐲 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞 at 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 para sa mga mahahalagang impormasyon ukol sa bagyo.
6. Alamin ang mga emergency/hotline numbers na maaaring tawagan.
𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐇𝐎𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄𝐒
𝐁𝐅𝐏— 0917-187-4611
𝐏𝐍𝐏— 0920-841-0437
𝐑𝐇𝐔— 0950-514-6686
𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎— 0917-813-0141
𝐒𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐃— 0999-889-8987
𝐏𝐀𝐍𝐄𝐋𝐂𝐎 𝐈𝐈𝐈— 0933-815-4100
Kailian, stay alert at mag-ingat po tayong lahat.
~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳
#BagyongEnteng#WeatherUpdate#WeatherUpdateToday#Prevent#Prepare#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride