Maghanda nang iparinig ang inyong musika sa pinakamalaking tanghalan sa San Nicolas ngayong darating na Panagrambak 2023. Aming inihahandog ang Battle of the Bands na susubok sa husay at galing ng mga baguhan at propesyonal na musikero saanmang panig ng bansa.
Ang timpalák ay bukas sa lahat ng mga bandang may 4-6 na miyembro edad 15 pataas. Ang mga kalahok ay kailangang magtanghal ng 3 music genre—reggae, melo-rock, at ang kanilang napiling genre— sa loob ng hindi bababa sa 12 minuto ngunit hindi hihigit sa 15 minuto. Paalala lamang na hindi pinapayagan ang mga awiting may malalaswa, mapanira, at mahahalay na mga salita.
Ang tatanghaling kampeon ay mag-uuwi ng Php 20,000.00 habang Php 15,000.00 at Php 10,000.00 naman ang naghihintay para sa una at ikalawang gantimpala, ayon sa pagkakabanggit. Sila ay inaasahang magtatanghal muli sa dulo ng kompetisyon.
Bubuksan ang event’s place simula alas-tres ng hapon at bibigyan ang bawat banda ng 5 minuto para sa sound checking. Ihahanda ng organizers ang mga maaaring gamiting instrumentong musikal ngunit pinapayagan ding gamitin ng banda ang kanilang sariling aparato.
Narito ang pamantayan sa pagpili ng mga mananalo: Stage Presence, Preparedness, and Mastery (20%), Timing, Instrumentation, and Presentation (20%), Creativity and Originality (20%), Quality of Performance (30%), at Overall Impact and Interface with Audience (10%).
Para sa mga interesado, magparehistro lamang sa Mayor’s Office mula Pebrero 20 hanggang 27.
#BattleOfTheBands#MusikerongPilipino#Reggae#MeloRock#Panagrambak2023#SanNicolasTownFiesta2023
#MayorAlicePrimiciasEnriquez#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride