Para sa mas maunlad at mas masiglang kinabukasan para sa bawat mamamayan at magsasaka sa bayan ng San Nicolas, muling nagpamalas ng Serbisyo a Naimpusoan si Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas sa tulong ng National Irrigation Administration nang kaniyang pangunahan ang proyektong labis na ikinatuwa ng mga magsasaka—ang Bensican-Dalumpinas Service Road.

Ang nasabing service road, na may habang 350 metro at lapad na 4.2 metro, ay nagdurugtong sa Brgy. Bensican at Brgy. Dalumpinas upang mas mapadali at mapabilis ang paghahatid ng mga produkto sa merkado.

Kasama rin sa proyekto ang paglalagay ng mga slope protection na nagbibigay ng dagdag na proteksyon at kaligtasan sa mga motorista habang sinisiguro rin ang tibay at integridad ng istrukturang ipinagawa.

Kaugnay nito, nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Alicia Primicias-Enriquez, kasama si Bensican SK Chairperson Aarol L. Lucena, upang masigurado na ang proyekto ay naayon sa mga inilatag na plano at pamantayan at nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagtiyak ng kalidad at maayos na implementasyon ng proyekto.

“Napakagandang proyekto ang muling naisakatuparan sa tulong ni Manang Marlyn. Kulang ang salitang ‘Salamat’ dahil mula nang tayo’y manungkulan, ilang beses nang pinatunayan ni Manang Marlyn na nagagamit nang tama ang buwis ng ating bayan,” saad ni Mayor Alice.

Matatandaang nagsagawa rin ng inspeksyon noong Agosto 19 ng nakaraang taon sina Mayor Alice, Mayor Tyrone Agabas bilang kinatawan ni Cong. Marlyn, Engr. Christopher Serquiña, Engr. Normandy Flores, at ang barangay councils ng Bensican, Dalumpinas, at San Isidro.

#BensicanDalumpinasServiceRoad

#NationalIrrigationAdministrationProject

#RoadConcreting#ConcreteBarriers#RoadWidening

#ThankYouCongMarlynPrimiciasAgabas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon