Sa pangalawang pagkakataon, nasungkit ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang Seal of Good Local Governance (SGLG) bilang pagkilala sa kaniyang katapatan at kahusayan sa lokal na pamamahala sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga pamantayan ng transparency, integridad, at paghahatid ng serbisyo.

Mula sa 1,715 local government units (LGU) na nasuri sa buong bansa, isa ang bayan ng San Nicolas sa 714 LGUs na matagumpay na nakamit ang lahat ng pamantayan at nabigyan ng Seal of Good Local Governance.

Ngayong araw, dumalo sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, MLGO Officer Jeoy Agustin, at Municipal Councilors Francisco Bravo, Jairus Thom Dulay, Pedrelito Bibat, Jose Serquiña, Rosewill Descargar, at Leomar Saldivar sa SGLG National Awarding Ceremony na ginanap sa Tent City ng The Manila Hotel.

“Ang Seal of Good Local Governance ay tagumpay ng bawat San Nicolanian. Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa ating shared vision at hard work sa pagsusulong ng makabuluhang mga reporma at paglikha ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng San Nicolanians,” saad ni Mayor Alice.

Nasuri ang pamahalaang lokal sa 10 governance areas: financial administration; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; business friendliness at competitiveness; pamamahala sa kapaligiran; kaligtasan at kapayapaan at kaayusan; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura at sining; at kabataan at kaunlaran.

#2024SealOfGoodLocalGovernance#CongratulationsLGUSanNicolas#TapatAtMahusayNaPamamahala#Transparency#GoodGovernance#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon