πππ πππππππ ππ ππππππ ππππππππ, ππππππππ ππ ππππππ πππππ
Mainit na pagtanggap ang sasalubong sa lahat ng San Nicolanians dahil ang Arc Section ng San Nicolas Public Cemetery ay sumailalim sa renobasyon at handa nang sumalubong sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo.
Kilala sa kaniyang dedikasyon sa pagpapabuti ng mga pampublikong pasilidad ng bayan, pinangunahan ni Mayor Alice ang proyektong bagong arc section bilang simbolo ng kaniyang pakikiisa at pagbibigay pag-asa sa mga bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay.
“Sa bawat pagpasok natin dito, nawa’y maalala natin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na at ang kanilang mga alaala na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin. Hangad kong maging mas makabuluhan pa ang ating Undas at ang proyektong ito ang naisip kong paraan upang mapagaan ang pakiramdam ng lahat ng ating mga kailian,β saad ng alkalde.
Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo, ang bayan ng San Nicolas ay patuloy na magbibigay pugay at pag-asa sa bawat isa, sa pamamagitan ng bagong arko na magsisilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at pag-alaala sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.
βNawa’y maging inspirasyon ang bagong arko sa bawat isa sa atin na patuloy na magbigay halaga sa ating mga yumaong mahal sa buhay at sa ating komunidad,β pagtatapos ni Mayor Alice.
#ArcSection#PublicCemetery#AllSaintsDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride