Isusulong ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang pagkakaroon ng Community-Based Drug Rehabilitation Program para sa 11 San Nicolanians na naging alipin ng mapanganib na droga bilang pagsunod sa mga kinakailangan ng Department of Health at Philippine Drug Enforcement Agency.

“Mahalaga ang programang ito upang matulungan silang tuluyang makabalik sa tamang landas. Ngunit kaakibat nito’y ang aktibong partisipasyon ng mga sangkot at ang komunidad na nakapalibot sa kanila,” saad ni Mayor Alice.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga responsibilidad at tungkulin ng bawat kasapi sa MADAC ukol sa pagsubaybay sa iba’t ibang gawain gaya ng pagsasagawa ng mga hakbang na higit pang makakapagbigay ng kamalayan sa mga mamamayan ukol sa mapanganib na epekto ng iligal na droga.

Dagdag pa ng alkalde, maging mapagmasid at huwag mag-atubiling i-report sa kinauukulan ang mga iligal na gawain sa bayan ng San Nicolas.

#MunicipalAntiDrugAbuseCouncil

#BuildingADrugFreeCommunity

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciaEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon