Nag-uumapaw sa kagalakan at punong-puno ng pasasalamat sina π™‹π˜½ π™‹π™šπ™₯π™š 𝙋. π™‘π™–π™‘π™šπ™£π™˜π™žπ™– at ang kaniyang barangay council dahil sa mabilis na pagtugon sa kanilang kahilingan para sa kanilang barangayβ€”ang concrete bagger mixer.

Bilang bahagi ng kanilang barangay subsidy, personal na inihandog ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang isang unit ng concrete bagger mixer sa San Rafael West na tiyak na magiging malaking tulong sa kanilang mga proyekto sa imprastruktura at magdadala ng mga benepisyo sa kanilang komunidad.

Kasama ng concrete bagger mixer ang mga sumusunod na karagdagang materyales na magagamit para sa pagpapakonkreto ng kanilang barangay road at sa pagpapatuloy ng kanilang riprapping: 80 sako ng semento, apat na truckloads ng buhangin, at limang truckloads ng mga boulders.

Tunay na isang mahalagang hakbang ito sa pagpapabuti ng kanilang barangay, at umaasa ang lahat na magtutuloy-tuloy pa ang ganitong mga proyekto sa hinaharap.

#BrgySanRafaelWest

#ConcreteMixer

#InfrastructureDevelopment

#TulongParaSaBarangay

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *