Sa tulong ng lokal na pamahalaan, matagumpay na naisakatuparan ang roof extension ng 32 sq. meter canteen sa Dalumpinas Elementary School sa pamamagitan ng Special Education Fund.

Bahagi ito ng suporta ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa sektor ng edukasyon kung kaya’t patuloy ang mga hakbang na isinagawa niya upang matugunan ang mga pangangailangan sa pag-aaral ng bawat estudyanteng San Nicolanian. Kasama rito ang tamang alokasyon ng pondo para sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng mga pasilidad sa mga paaralan.

Nakiisa ang mga guro at si 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙡𝙤𝙪 𝙀𝙣𝙪𝙢𝙣𝙚𝙣𝙜 kay Mayor Alice sa pag-inspeksyon ng proyektong ito. Naging pagkakataon na rin ito upang maipahayag ang kanilang pasasalamat sa malasakit at pagmamahal ng alkalde para sa kanilang mga mag-aaral.

#DalumpinasElementarySchool

#SpecialEducationFund

#RoofExtensionNgKantina

#DevelopmentalFund

#ComfortRoomParaSaMgaMag-aaral

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezAngIyongLingkodBayan

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *