INFO REGISTRATION SYSTEM NAGPAPATULOY
Kailian, patuloy po ang isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang maisaayos na ang data banking ng Health Information Registration System para sa mga mamamayan ng San Nicolas.
Ang data banking na ito ay naglalayong ang bawat mamamayan ay magkaroon na ng Electronic Health Record na pinapalooban ng mga importanteng impormasyon na kinakailangan ng mga doktor sa ating Rural Health Center. Ito rin ang magsisilbing masterlist na kailangang i-submit ng lokal na pamahalaan sa DILG bilang bahagi ng masterlist ng populasyon sa ating bayan.
“Yes, first time po ito sa ating bayan at napakahalaga po na ang lahat ay maipasok sa data base nating ito. Isinasagawa natin ito upang ma-streamline na po natin ang ating mga proseso lalong-lalo na ukol sa ating kalusugan dahil ng ako ay umupong mayor nakita ko po na talagang magulo o topsy-turvy ang health record natin. Tayo pong lahat ang makaka-benipisyo nito dahil instantly malalaman na ng ating mga doktor ang kalagayan ng ating kalusugan bago pa man nila tayo icheck-up. Mas mainam ito para sa ating diagnosis ganon din sa pagbibigay ng tamang gamot kung naospital o nagpapacheck-up,” pahayag ni Mayor Alice.
Dagdag pa ni Mayor Alice na ang “Personal Health Information Registration form” ay naglalaman ng mga impormayon katulad ng mga sumusunod: patient’s medical history, diagnoses, medications, treatment plans, immunization dates, allergies, radiology images, and laboratory and test results.
“Kaya sana po ay suportahan po natin ito. May mga kaukulang forms po tayo sa bawat barangay at sana ay fil-apan n’yo ito upang maayos na natin ang ating Health Database System,” apela pa nya.