Isa sa mga pangunahing suliranin ng mga mag-aaral sa Camindoroan Elementary School ay ang pagbaha sa kanilang paaralan tuwing tag-ulan. Dahil dito, humiling ang mga guro at ang kanilang punong guro na si π™ˆπ™§π™¨. π™‹π™§π™žπ™£π™˜π™šπ™¨π™¨ 𝙇. π˜Όπ™˜π™€π™¨π™©π™– kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez na magkaroon ng maayos na drainage system sa kanilang paaralan.

Bilang tugon, naglaan ang lokal na pamahalaan ng pondo mula sa Special Education Fund para sa pagtatayo ng drainage system na may habang 90 metro, lapad na 0.40 metro, at kapal na 0.15 metro. Kamakailan, sinuri ito ni Mayor Alice kasama ang mga guro ng Camindoroan Elementary School.

β€œPrayoridad natin ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mag-aaral sa ating bayan. Ang drainage system na ito ay makatutulong upang maiwasan nila ang mga sakuna at mapanganib na sakit na maaaring dulot ng tubig-baha,” pahayag ni Mayor Alice.

#CamindoroanElementarySchool#SchoolDrainageSystem

#KeepingOurChildrenSafe

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon