Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Provincial Health Office (PHO), at Pangasinan Provincial Hospital (PPH), matagumpay na naisagawa ang unang Blood Letting Activity para sa taong ito.

Sa aktibidad na ito, nakalikom ng limampu’t anim (56) na bags ng dugo mula sa animnapung (60) potensyal na donors para sa mga nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang mga buhay.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mga nakapag-donate dahil sila’y naging bahagi ng isang makabuluhang gawain na makapagliligtas ng kanilang kapwa at nakapag-uwi rin ng limang kilong bigas bilang pasasalamat sa kanilang kabayanihan.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa ating mga kababayan na patuloy na nagmamalasakit at nag-aalay ng kanilang sarili upang magbigay ng pag-asa at mapahaba ang buhay ng kanilang kapwa. Ang inyong pagmamahal at ipinagkaloob na dugo ay patunay na ang bawat buhay ay isang mahalagang regalo na dapat pahalagahan at ipreserba,” mensahe ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez para sa mga donor.

#BloodLettingActivity2025

#LifeSavingActsOfLove

#BloodDonor#SaveLivesDonateBlood

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *