Isang maalab na pagbati sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isang makapangyarihang patunay ng pananampalataya, pagsuko sa kalooban ni Allah, at sakripisyo.
Ngayong araw, atin pong ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno, pagmumuni-muni, at panalangin.
Nawa’y magdulot ang dakilang araw na ito ng masaganang biyaya ng pagmamahalan, pag-unawaan, at kapayapaan—hindi lamang sa mga pamilyang Muslim, kundi sa lahat ng lahi’t relihiyon, bilang isang pagpapakita ng pagkakaisa ng sangkatauhan.
Dalangin namin ang inyong kaligayahan, mabuting kalusugan, at tagumpay sa buhay habang patuloy nating pinagtitibay ang ating mga relasyon bilang magkakapatid sa lipunan. Salamat sa inyong pagsasama at mahalagang kontribusyon sa ating bayan.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride