Sa pagsisimula ng Panagrambak 2025, daan-daang mga residente, bisita, at mga turista ang nakiisa sa engrandeng selebrasyon ng kultura at tradisyon ng bayan ng San Nicolas sa isang makulay at kapana-panabik na Grand Parade.

Alas-sais pa lang ng umaga, naghanda na ang mga kalahok tampok ang makukulay at malikhaing disenyo ng costumes na nagbigay-pugay sa iba’t ibang aspeto ng kultura at mga simbolo ng kalakalan, agrikultura, at kasaysayan na nagpapakita ng mayamang tradisyon at pamana ng bayan.

Nakisaya sina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas, Mayor Alicia Primicias-Enriquez, Vice Mayor Alvin Bravo, at ang Sangguniang Bayan na nagbigay-aliw sa mga manonood. Hindi na nila napigilan ang pag-indak at pagsabay sa musika ng iba’tibang drum and lyre corps habang lumilipas ang parada.

Pagkatapos ng parada, nagkaroon ng engrandeng pagtatanghal sa Municipal Auditorium kung saan nagtipon ang lahat upang ipagdiwang ang tagumpay ng araw na nag-iwan ng mga makabuluhang alaala sa puso ng bawat isa.

#GrandParade#ParadeOfColors#UnityInDiversity#HappyFiestaSanNicolas#HonoringGenerations#CulturesAndTraditions#SanNicolasTownFiesta2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon