Upang magkaroon ng mas malaking espasyo at mas komportableng lugar para sa mga pagpupulong at aktibidad, ang Brgy. Cabitnongan ay nagdagdag ng extension shed sa kanilang barangay hall.
Ang proyektong pinondohan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Barangay Subsidy para sa mga materyales ay may sukat na 10.15 metro ang haba, 7.7 metro ang lapad, at 3 metro ang taas.
Sa pagbisitia ni Mayor Alice, taos-pusong pasasalamat ang ipinahayag nina PB Alexander Calibozo at mga miyembro ng barangay council sa kaniyang suporta para sa napakahalagang proyektong ito.
Inaasahan din ang pagpapakonkreto ng Farm-to-Market Road sa Sitio Amianan ng nasabing barangay.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride