Upang mas mapaunlad pa ang turismo sa bayan ng San Nicolas, patuloy na tinutugunan ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas ang mga proyektong impráestruktura na bahagi ng kaniyang Serbisyo a Naimpusoan kung kaya’t napagkalooban ng farm-to-market road ang Brgy. San Felipe East na shortcut patungo sa dinarayong Agpay Eco Park.
“Ang maayos na mga daan patungong Agpay Eco Park ay magbibigay ng mas magandang tourist experience sa mga bisita habang binabaybay ang isang paraisong tulad ng Brgy. San Felipe East,” saad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, hindi lamang natin pinapadali ang pag-access sa mga likas na yaman ng ating bayan, kundi pinapalakas din ang ating ekonomiya at nagtataguyod ng masayang karanasan para sa mga turista. Tayo ay nagtutulungan upang mas mapalawig pa ang ating mga oportunidad at ipakita ang ganda ng San Nicolas.
#SerbisyoaNaimpusoan#FarmToMarketRoad#TourismDevelopment#RoadShoulderWidening#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride