Mas mabilis na ang pagdadala ng mga produktong agrikultural mula sa sakahan patungo sa pamilihan dahil sa bagong farm-to-market road sa Brgy. Dalumpinas.

“Dahil mas mabilis na naibebenta ang mga produkto, tumataas ang kita ng mga magsasaka, at mas nagiging masigla ang lokal na ekonomiya,” saad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.

Naisakatuparan ang 29.70 cu. metrong proyektong ito mula sa pondo ng lokal na pamahalaan kung saan naipagkaloob ang 215 sako ng semento, 11 truckloads ng graba, pitong truckloads ng buhangin, at isang kilo ng GI Wire #16.

Sa ginawang pag-inspeksyon ng alkalde sa nasabing proyekto, taos-pusong ipinahayag nina 𝙋𝘽 𝙅𝙪𝙖𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙎. 𝙈𝙚𝙣𝙙𝙤𝙯𝙖 at ng kaniyang barangay council ang kanilang pasasalamat.

Lubos na naiparating ng mga residente, lalo na ng mga magsasaka, ang kanilang kasiyahan dahil magiging mas maayos at direkta ang mga daan, kaya mas maraming kita ang mapupunta sa mga magsasaka.

#BarangayDalumpinas

#ConcretingOfFarmToMarketRoad

#BarangaySubsidy

#ConcretingTheFutureOfSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *