Sa kabila ng pandemya, patuloy ang proyektong paglalagay ng drainage canal at pagsasaayos ng mga daan sa Barangay San Isidro at Barangay Bensican.
Ito ang ipinahayag ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez matapos magsagawa ng kanyang site inspection sa mga ginagawang proyekto sa paglalayong ito ay matapos sa initakdang “time frame” upang makatulong na ito sa mga mamamamayan ng nasabing komunidad lalong-lalo na sa mga inaaasahang mga pag-ulan sa mga darating na mga araw.
“Malaki ang maitutulong ng mga road at drainage projects na ito especially sa panahon ng tag-ulan o typhoon season upang maiwasan na ang mga pagbaha at pagputik sa mga daan. Gusto kong tuldokan na rin natin ang di magandang mga pangyayari katulad ng mga aksidente na ang itinuturong dahilan ay ang di magandang kondisyon ng ating mga daan,” ani ni Mayor Alice.
Ang mga isinasagawang mga proyekto ay kalakip sa mga nakalinyadang imprastraktura na pinopondohan ng Assistance to the Municipalities o AM Fund sa ilalim ng LGU Community Development Projects na may kaukulang pondo na P11.623 Million para sa mga imprastrakturag katulad ng daan at drainage systems.
#TuloyAngMgaProyektongImprastraktura
#OngoingNaAngBensicanAtSanIsidro
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride