Dalawang asosasyon sa bayan ng San Nicolas kasama ang lokal na pamahalaan ang nakabahagi ng mga makabagong makinaryang pangsaka sa aktibidad na isinagawa ngayong araw sa pangunguna ni 6th District Congressman Tyrone Agabas at ng maybahay nitong dating congresswoman na si Atty. Marlyn Primicias-Agabas.
Ang mga makinarya ay ipinamahagi sa ibat-ibang asosasyon ng mg magsasaka sa Distrito na itinakdang makabenipisyo sa programang Rice Mechanization Component ng Rice Competitiveness Enhancement Fung (RCEF) na naglalayong maimproba ang produksyon ng palay sa ating bansa.
Ang Rice Mechanization ay bahagi ng Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law na inakda ni Senator Cynthia Villar na sya naming naging daan upang mabuo ang RCEP.
Ang pamamahagi ng mga makinarya ay ipinadaan sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa pakikipagtulungan ni Congressman Agabas. Ang programa ay una ng inilunsad ni Atty. Marlyn L. Primicias-Agabas sa Distrito noong sya pa ang representante nito.
“Nagpapasalamat ako kina Congressman Tyrone at former Congresswoman Marlyn sa programa nilang ito na talagang malaki ang maitutulong sa ating mga magsasaka. I am particularly glad because San Nicolas is the first LGU to become a beneficiary of the project in addition to two farmer associations based in our municipality,” pahayag ni Mayor Alice.
Maliban sa LGU na nakatanggap ng P5 Million worth of machineries consisting of 1 unit of wheel tractor, 6 units of hand tractor, and 1 unit of Rice Combine Harvester, nakatanggap din parehong tig-P3.05 Million worth of machineries ang Tanggal Cabaruan Farmers Irrigators Association, Inc. at Tanggal Cadaanan Assocation, Inc. na binigyan ng parehong 1 unit of Four wheel Tractor at 1 unit Rice Combine Harvester.
Sa programang ito, ang mga qualified na mga farmers associations, cooperatives, LGUs at eligible farmers ay makakatanggap ng grant-in-kind na mga equipment katulad ng tillers, tractors, seeders, threshers, rice planters, harvesters, and irrigation pumps.
#MakabagongMakinaryangPangsaka