Sa patuloy po nating paglaban sa COVID-19 ay patuloy din tayong nagpapasalamat sa mga pagkakataong katulad ngayon na nararamdaman nating may mga kapamilya tayong nagpaparamdam ng kanilang pagkalinga at pagmamahal sa ating mamamayan.

Sa pagkakataong ito ay lubos nating pinasasalamatan ang pagbisita sa atin ng ABS-CBN Foundation, ang mga myembro ng Lingkod Kapamilya na naglaan ng kanilang panahon upang bisitahin tayo sa ating bayan at magbigay ng mga kaukulang tulong katulad ng 50 reams of coupon bonds and hygiene kits para sa ating mga paaralan. Ang mga komunidad po na kanilang bibisitahin sa tatlong araw ng kanilang paglalagi sa ating bayan ay ang Barangay Fianza (Puyao at Bangar) at Barangay Malico.

“Lubos akong nagpapasalamat sa mga opisyales at tauhan ng ABS-CBN Foundation dahil bagama’t sadyang malayo ang ating bayan ay naglaan sila ng panahon sa gitna ng nararanasan nating pandemya upang tayo ay bisitahin at magbigay ng kanilang tulong. Ang mga hygiene kits na kanilang dala para sa ating mga mamamayan ay talagang malaking tulong sa patuloy nating paglaban upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa ating komunidad,” pahayag ni Mayor Alice.

Ang mga Lingkod Kapamilya na ating bisita ngayon ay pinangungunahan ni Ma’am Rowena Paraan, head of ABS-CBN News & Public Service. Kasama rin n’ya si Ma’am Kori Quintos, BMPM ng Bayan Mo Patrol Mo, at Buds Sayong ng ABS-CBN News & Public Service.

“We are really glad that they share our passion to further help our constituents especially those in the far-flung areas. Katulad natin, naniniwala din po sila that those who are less in life deserve more of our service kaya’t saludo po kami sa inyo mga taga-Kapamilya from ABS-CBN Foundation,” dagdag pa ni Mayor Alice.

Ang mga donasyong kanilang ipapamahagi ay sa pakikipagtulungan ng DepEd Central and Division Office-II at nasa ilalim ng programang “Adopt-A-School Program” ng DepEd.

Kasama sa grupo ng ABS-CBN ang mga opisyales ng DepEd Division Office na sina Hilario Olibo Jr., DRRM Division Office; Ramir Lopez, District Nurse 3; Engr. Marcelino Casim from School Governance Office; at Virgilio Selga from School Governance Office.

Nagpapasalamat din po kami sa patuloy na suporta ng ating kapulisan na pinamumunuan ni Police Lieutenant Leandro Velasquez sa kanilang pagbibigay ng siguridad sa ating mga bisita, gayundin sa pakikipagtulungan ni Hon. Marilyn Balcita, Punong Barangay ng Fianza at ng Sangguninang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Alvin Bravo, ganun din sa mga Teaching and non-Teaching Staff ng Fianza Elementary School sa kanilang mainit na pagtanggap sa amin at sa ating mga bisita.

#ABSCBNFoundation

#LingkodKapamilyaSaSanNicolas

#SharingTheGiftsOfLove

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#SanNicolasMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon