May pandemya man o wala, magpapatuloy ang programa ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.

Ito ang nais iparating ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez sa mga mamamayan ng San Nicolas matapos nitong ipaalam na nagpapatuloy ang programa ng LGU para sa proyektong instalasyon ng libreng linya ng kuryente para sa mahihirap.

Ayon kay Mayor Alice, ang libreng “Electrification Program” ngayong taon ay naumpisahan na sa Brgy. San Felipe East noong ikatlong araw ng Pebrero (February 3). Ang barangay na ito ay isa sa mga komunidad na may marami pang sambahayan ang wala pang koneksyon ng kuryente. Anim na pu at lima (65) na kabahayan na ang natatapos sa barangay ng San Felipe and San Rafael District.

Sa taong tao, idineklara ng butihing alkalde na naglaan ang lokal na pamahalaan ng sapat na pondo upang mas marami pa ang makabenipisyo sa nasabing programa.

“Sa ngayon, meron na po tayong 179 na kabahayan ang naaprubahan na makakabenipisyo po nito kaya’t patuloy akong nananawagan sa iba pa nating mga kababayan na gustong makinabang sa programang ito ng LGU. Makipagugnayan po kayo sa aking opisina para ma-validate kayo at maayos n’yo ang mga kinakailangang mga dokumento,” apela ni Mayor Alice.

“Mayroon pa po tayong sapat na pondo para madagdagan ang mga puedeng makabenefit nito pero dapat ma-comply ng mga gustong mag-avail ang mga karampatang requirements para mag-qualify po sila,” dagdag pa niya.

#LibrengKuryenteParaSaInyo

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon