Isa sa mga mahalagang bahagi ng isang paaralan ay ang school canteenโhindi lamang bilang hapag-kainan ng mga estudyante kundi pati na rin bilang lugar ng pahinga at sigla tuwing recess. Ang pag-aalaga sa ganitong pasilidad ay isang mahalagang hakbang upang matiyak ang kaginhawahan at kaligtasan ng mga mag-aaral at empleyado.
Kamakailan, personal na binisita ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang Dalumpinas National High School upang masaksihan ang makabuluhang pagbabago sa kanilang canteen. Maayos nang naikabit ang bagong floor tiles na pinondohan mula sa Special Education Fund.
Ayon kay Mayor Alice, ang paglalaan ng pondo para sa ganitong proyekto ay bahagi ng kaniyang pangako na gawing mas makatao at episyente ang mga pasilidad ng paaralan. โAng kaligtasan at kaginhawahan ng ating mga mag-aaral at guro ay mahalaga. Ang bawat hakbang natin sa pag-aayos ng ganitong mga pasilidad ay hakbang din patungo sa mas maayos at maunlad na komunidad,โ aniya.
Kasabay ng pagbisita ng alkalde, pinangunahan ni ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ก ๐๐ค๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐. ๐๐ช๐ฎ๐๐ฉ ang pasasalamat mula sa pamayanan ng paaralan. Sa harap ng mga guro at empleyado, inilahad niya ang taos-pusong pagkilala sa walang sawang suporta ni Mayor Alice sa kanilang paaralan. โAng ganitong proyekto ay simbolo ng malasakit ng ating lider sa edukasyon. Hindi lamang ito patungkol sa pisikal na pagbabago ng paaralan kundi sa pagpapakita na ang gobyerno ay tunay na kasangga ng mga guro at estudyante,โ ani Principal Suyat.
#EnhancementOfSchoolFacilities
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride