Napakaraming nangyari ngayong Agosto, kailian.

Nagdiwang si Mayor Alice ng kaniyang 50th birthday. Nagwagi ang San Fema at Poblacion East sa Mayor’s Cup 2024. Kinilala ang RHU San Nicolas bilang second best performing newborn screening facility (Primary Care-Government category) sa Northern Luzon. Nagtagisan ng husay at galing ang mga kabataang San Nicolanian sa Linggo ng Kabataan.

Ipinagdiwang ng lahat ang pagkapanalo ni Carlos Yulo ng dalawang ginto sa Paris Olympics kasama sina Nesthy Petecio at Aira Villegas sa boxing. Trending ulit ang Maybe This Time. Hinahanap pa rin sina Alice Guo at Apollo Quibuloy. Naging parte tayo ng mga maiinit na diskusyon sa Senado at Kongreso. At ang good news, ‘ber months na bukas!

Pero sabi nga ni Taylor Swift, “August slipped away… ‘cause it was never mine.” Nawa’y maging aral sa atin ang mga nangyari ngayong buwan upang patuloy tayong maging mas matatag pa sa mga susunod na buwan hanggang matapos ang taong 20224.

Shimenet, este, Salamat, Agosto!

#GoodbyeAugust#ThankYouForTheLearnings#BerMonthsNaBukas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon