Para sa unang kuwarter ng taon, tatanggap na ng social pension ang 2,244 rehistradong senior citizens ng San Nicolas ngayong Marso 24 at 25 sa tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Hinati sa dalawang batch ang mga benepisyaryo na tatanggap ng kanilang social pension stipend mula Enero hanggang Marso 2025 sa Municipal Auditorium. Tignang maigi ang iskedyul ng pamamahagi na nasa pubmat.
Ang Social Pension Program for Indigent Senior Citizens alinsunod sa Republic Act 11916 ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng buwanang stipend sa mga kuwalipikadong senior citizen na layuning matulungan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
#SocialPensionProgram#IndigentSeniorCitizens#Payout#DSWDFieldOffice1#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride