Mga minamahal kong kababayan, nagagalak po akong ipaalam sa inyong lahat na sa ating patuloy na kampanya upang labanan ang pandemyang dulot ng COVID-19 ay umabot na po tayo sa siyamnaput lima na porsyento (95%) ng pagbabakuna para mabigyan ng proteksyon ang karapat-dapat na populasyon na naaayon sa panuntunan ng National IATF bilang prayoridad sa ating isinasagawang pagbabakuna.

Sa ngayon ay mayroon na tayong kabuuang 25,230 na nabakunahan at ito ay binubuo ng mga sumusunod ng kategorya: A1 o workers in frontline health services (779); A2 o senior citizens (3967); A3 o adult with comorbidities (5154); A4 o frontline personnel in essential sectors (6861); A5 (914); C or rest of the population (3747); at pediatric population (3870)

23,471 na indibidwal o siyamnapung porsyento (90%) na po ang fully vaccinated .

Kailyan, natutuwa po kami na makita ang dumarami nating mga mamamayan na tumutugon sa ating panawagan at naniniwala sa kahalagahan ng bakuna upang protektahan ang kanilang sarili mula sa nakamamatay na virus na ito.

Patuloy naming hinihimok ang ating mga mamamayan na makilahok sa kilos na ito to make a big difference sa ating komunidad. Ito po ang pagkakataon natin upang tulungan ang ating pamahalaan na labanan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Magpabakuna po tayo!

Magandang umaga po at pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoon. 🥰❤️🙏

~MAYOR ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

#ResbakunaKasanggaNgBIDA

#SanNicolasVaccinationSummary

#UnityAndCooperationPrevailsInSanNicolas

#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon