Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day, kinilala at binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga kabataang San Nicolanian sa lipunan, lalo na sa pamamahala at pagsusulong ng kaunlaran.
Saklaw ng temang “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development”, nagtipon-tipon ang mga kabataang mag-aaral at municipal at youth leader sa Municipal Gymnasium bilang pagsisimula ng isang linggong pagdiriwang.
“Kinikilala natin ang lakas ng kabataan sa pakikibahagi nila sa kaunlaran. Dapat lamang kayong bigyan ng espasyo para makilahok, ng sapat na access sa gadget at mabilis na internet, at ng proteksyon mula sa fake news at iba pang krimeng kaugnay ng digitalization. Sama-samang tungkulin ang mga ito ng pamahalaan, paaralan, media, mga magulang, at maging ng simbahan,” saad ni LYDO Officer Richard Rae Prestoza.
Nagkaroon ng mga timpalak gaya ng quiz bee, essay writing, panandaliang talumpati, at ng Youth Leaders Symposium na pinangunahan ng inimbitahang resource speaker, Ace John Mark P. Liwanag ng Pangasinan State University. Sina Gng. Tabitha Andrea V. Ylarde, G. Gerald V. Paragas, at Gng. Anabelle L. Caser naman ang nagsilbing mga hurado sa pagsulat ng sanaysay at panandaliang talumpati.
Narito ang mga nagsipagwagi ngayong araw:
QUIZ BEE:
1st Place – San Felipe Integrated School
Ma. Narcjea Maye A, Cristalle Joy R. Descargar, Trisha May R. Sebastian
Coach: Genus V. Javar
2nd Place – Red Arrow High School
Patricia Ann Alphine J. Fernandez, Freddie M. Jose, Jr., Mary Nathalie G. Ibañez
Coach: Marion N. Curate
3rd Place – Dalumpinas National High School
KC Rain C. Javier, Angel Crystal M. Jornadal, John Ray M. Tampoco
Coach: Divine S. Marquez and Marissa M. Dela Cruz
PANANDALIANG TALUMPATI:
1st Place – Dalumpinas NHS
John Lester L. Quimo
Coach: Jovelyn R. Camarao
2nd Place – Red Arrow High School
John Ezra M. Ancheta
Coach: Marion. N. Curate
3rd Place – Sta. Maria NHS
Hinnie Jean M. Sibayan
Coach: Melody F. Serquiña
#LinggoNgKabataan#InternationalYouthDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride