Upang mas mabilis na marating ng San Nicolas ang maunlad at progresibong kinabukasan, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga proyektong imprastruktura at mga programang inihahatid ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng epektibong pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.

Sa Barangay Salpad, matagumpay na naisakatuparan ang proyektong kalsada na may canal lining, na pinondohan mula sa ibinigay na barangay subsidy ng pamahalaang lokal.

Ang nasabing proyekto ay binisita ni Mayor Alice kasama si 𝙋𝘽 𝘿𝙖𝙣𝙞𝙡𝙤 𝙎. 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙤𝙨 at ang barangay council upang masiguro ang kalidad at pagiging angkop ng implementasyon ng plano para dito.

Ipinahayag naman ni PB Serios kay Mayor Alice ang taos-pusong pasasalamat ng kaniyang mga kabarangay para sa naihandog na proyektong ito, na, ayon sa kanya, ay isang matibay na simbolo ng pag-unlad at progreso ng kanilang barangay.

#BarangaySalpad

#RoadConcreting#CanalLining

#BarangaySubsidy

#ConcretingTheFutureOfOurTown

#DaanangPangakoSimbuloNgProgreso

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *