Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo araw-araw upang pumasok sa eskuwela ang mga indigenous student ng San Felipe Integrated School dahil muling naglaan ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ng tulong para sa pagtatayo ng karagdagang dormitoryo para sa kanila.

Kamakailan, personal na ininspeksyon ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez kasama ang mga guro ng San Felipe IS ang bagong dormitoryo na pitong metro ang haba at anim na metro ang lapad, na pinondohan mula sa Municipal Developmental Fund.

Ipinahayag ni Principal 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝙑. 𝙋𝙪𝙧𝙪𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣 ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa tulong ng alkalde na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral mula sa tribong Ibaloi.

Samantala, ibinalita ng alkalde na susunod na gagawin ay ang pagpapalagay ng floor tiles, ceiling, at pagpapapintura sa nasabing IP Dormitory.

#SanFelipeIntegratedSchool

#IPDormitory#IndigenousPeoples

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon