Tinuruan ang 28 magsasaka ng sibuyas ng mga kasanayang pangkultura sa produksyon, pamamahala sa mga karaniwang peste at sakit ng sibuyas, at pag-update sa halaga ng sibuyas at return analysis.
Layunin ng pamahalaang lokal na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga magsasaka ng sibuyas upang mas maging produktibo pa ang kanilang pagtatanim sa tulong ni Municipal High Value Crop Coordinator Ellaine Rose M. Javillo at sa pangunguna nina Engr. Cristopher Serquiña, municipal agriculturist, at Coun. Jose Serquiña Jr., chairman ng Committee on Agriculture.
“Handa ang lokal na pamahalaan na suportahan ang industriya upang matiyak na mapapataas ng mga magsasaka ang kanilang produktibidad at kita. Patuloy tayong maglalaan ng pondo para sa mga proyektong makatutulong sa lahat ng magsasaka dahil malaking bahagi sila ng ating ekonomiya,” saad ni Mayor Alice.
Hinikayat din ng alkalde ang mga kalahok na mag-isip at maging malikhain sa pagbibigay ng mga mungkahi kung paano sila matutulungan ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang kanilang kalagayan.
#OnionGrowers#Updating#CulturalManagement#PestControl#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride